Kay bilis talaga ng panahon kapag ikaw ay masaya. Yan ang aking nararamdaman ngayon na
aking ipinagdidiwang ang aming ika-9 na anibersaryo ng aking kasal. Parang kailan lang, nagsimula ang
aming pag-iibigan ni Lhara. Ipagpaumanhin nyo na ang aking kabaduyan. Pero pag ikaw ay nagmamahal,
hindi pumipili ng edad ang kabaduyan.
Tandang tanda ko pa noong una kong nakita si Lhara. Kahit nung una nya akong kinausap. Wala ni sa aking hinagap
na ang babaeng ito ay aking mapapangasawa. Siguro nga, tadhana na ang gumawa ng paraan para ang aming pagtitinginan
ay lalong yumabong. Mula sa aming dating trabaho, hanggang sa kami ay nagkaroon ng pagkakataong magtayo ng sariling
kumpanya, kami ay ginabayan ng Panginoon hindi lang sa aming trabaho ngunit lalo na sa aming relasyon bilang mag-nobyo.
Sa aming pag-iisang dibdib nung araw ng Miyerkules, ika-9 ng Setymebre, 2009, alam ko na ang aming paglalakbay bilang
mag-asawa ay magiging puno ng pag-ibig. Hindi man perpekto ang aming pagsasama, sa gabay ng Panginoon at aming pagmamahal, naniniwala ako na mas lalong tumitibay ang aming pagmamahalan. Lalo na itong sumidhi ng nabiyayaan kami ng isang magandang anak na nagbigay kulay sa among buhay mag-asawa.
Alam ko, pagkatapos ng siyam na taon, masasabi ko na simula pa lang ng aming buhay at madami pa kaming haharapin,
pagsasaluhang mga sandali. Hirap o ginhawa, saya o lunkgot man. Lahat ng ito, isa lang ang sigurado.
Sa aking buhay, gusto kong magpasalamat sa biyaya ng pag-aasawa. Sa iyo aking mahal na Lhara, lagi mong
tatandaan, na ikaw ang aking DULO, GITNA AT SIMULA. Happy Anniversary!
0
1
0
0
0
0