Sa Ikalawang pagkakataon, muling umarangkada ang We are Eveready: Sari-sari Store Barangay Caravan upang magbigay kaalaman, saya, at tsansang mapa-unlad ang negosyo para sa mga sari-sari store owners.
Kamakailan, sumugod ang nasabing caravan sa Barangay Pook, Lipa City, kung saan nabigyan ng pagkakataon makabili ng Eveready Batteries and Flashlights sa mas mababang halaga ang mga sari-sari store owners mula sa nasabing lugar.
“Dito sa Batangas, malimit pa ring gumagamit ng mga fake at hindi matibay na brands ang mga mamimili. Gusto naming i-educate sila, lalo na yung mga sari-sari store owners, na kung hindi matibay na battery ang kanilang tatangkilikin, maaaring magdulot ang mga ito ng masamang epekto sa kanilang mga kagamitan,” ayon kay Don Soriano, area supervisor ng Eveready Batangas, Laguna at Quezon.
“Layunin din ng Barangay caravan ang magbigay saya sa mga kalahok lalo na’t may mga ipinamimigay din kaming freebies tulad ng wall clocks, t-shirts, kring-kring, at iba pa na makatutulong sa kanilang negosyo.
Mayroon din kaming inihandang mga palaro at raffle draw kung saan ay maaring manalo ng Samsung smartphone.”
Susugod pa ang Sari-sari Store Barangay Caravan sa iba pang mga lugar sa buong Pilipinas. Abangan ang pagbisita ng We are Eveready Team at baka barangay niyo na ang susunod nitong bibisitahin.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Eveready, bisitahin ang kanilang website sa www.eveready.com.ph.
I-like din ang Facebook page ng Eveready Philippines para sa iba pang announcements.