Pasig City – August 3, 2016 – Ang Eveready Philippines, kasama ng noon-time show na Eat Bulaga, ay naghatid ng tuwa at papremyo sa kamakailang Sugod Sari-Sari Store segment sa Brgy. San Isidro Sur, Sto. Tomas, Batangas. Ito ang ikawalo at huling pagsama ng Eveready sa nasabing noon-time show.
Sa Sugod Sari-Sari Store segment, namili ang mga kinatawan ng Eveready ng isang tindahang may pinaka magandang display nang Eveready products na kung saan nanalo ang may ari nang tindahan ng P5,000 cash at Eveready gift items.
Si Ma. Antonette Calma Macahiya ang maswerteng nanalo ng instant papremyo.
“Matagal ang battery life ng Eveready hindi tulad nang ibang brands,” sabi ni Macahiya. “At talaga nga namang Eveready ang laging hinahanap customers ko.”
Nang tanungin si Macahiya kung ano ang gagawin niya sa mga natanggap na cash prize, wika niya ay ilalaan niya ito bilang dagdag-puhunan sa kanyang tindahan at upang makatulong rin sa tuition fee ng kanyang anak.
Ayon kay Martin Valenzuela, Brand Activation Manager ng Eveready Philippines, ang isinagawang Sugod Sari-Sari Store ay hinihimok ang mga may-ari ng tindahan na magbenta ng dekalidad na battery at flashlights bilang paghanda sa anumang hindi inaasahang pangyayari.
“Ang aktibidad na ito ay parte ng pangunahing kampanya ng Eveready– ang maging handa sa anumang sakuna. Nais namin gawing handa ang buong barangay sa pamamagitan ng panghihikayat na magkaroon ng maraming Eveready batteries and flashlights ang mga lokal na tindahan para madaling makabili ang mga residente sa oras ng pangangailangan,” paliwanag ni Valenzuela.
Matapos ang Sugod Sari-Sari Store, nag-ikot naman ang Eveready team sa mga malalapit na bahay upang imbitahan ang bawa’t pamilya na sumali sa “Isang Katok, Instant Premyo” promo. Dalawampung residente ang nanalo nang instant Eveready gift packs na kung saan kinailangan lang nilang magpakita ng kahit na anong gamit pang-bahay na gumagamit ng Eveready batteries.
Sabi ni Valenzuela, ang naisagawang Sugod Sari-Sari Store at Isang Katok, Instant Premyo sa mga iba’t ibang baranggay ay isang paraan Eveready upang pagpapahatid pasasalamat ang publiko sa kanilang tiwala at suporta. “Masaya kaming masaksihan na madami ang tumatangkilik sa Eveready. Isa itong patunay sa maaasahan at dekalidad na produktong tatak-Eveready.”
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Eveready Facebook page, o bisitahin ang kanilang official website.