(Criselda Gonzales (gitna), kasama ang mga kinatawan ng Eveready na sina Martin Valenzuela, Brand Activation Manager; Sharon Joy Punzalan, Senior Brand Manager; MJ Tiquia, Brand Activation Manager; mula sa Sales at distributor ng Eveready).
Buena mano sa bagong taon. Maganda ang pagbubukas ng bagong taon para sa sari-sari store owner na si Criselda Gonzales ng Brgy. San Jose, Hagonoy, Bulacan. Siya ang mapalad na nakatanggap ng limang libong pisong cash prize at Eveready gift pack mula sa Eveready Sugod Sari-sari Store ng Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga.
Ayon kay Gng. Criselda, ang kaniyang tindahan ang pinagkukunan ng kabuhayan ng kaniyang pamilya kaya malaking tulong ang napanalunang cash prize at gift pack. Dagdag pa niya, hindi nawawalan ng Eveready Batteries at Flashlights ang kaniyang tindahan dahil ito ang hinahanap ng mga mamimili sa pangaraw-araw nilang gamit sa bahay at lalo na sa panahon ng kalamidad. “’Yung Eveready, maaasahan siya at hindi mabilis ma-drain. Kahit nung bata pa ako, ‘yan na ang pinagkakatiwalaan naming battery,” aniya.
Si Gng. Criselda ay una pa lamang sa mga mabibiyaan ng papremyo para sa pinaka-magandang display ng Eveready products. Abangan ang pagsugod ng Eveready at ng Dabarkads sa inyong lugar. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Eveready , bisitahin ang kanilang website sa www.eveready.com.ph.
I-like ang Facebook page ng Eveready Philippines para sa iba pang announcements.